Pagdaragdag ng pangheyograpikong posisyon sa iyong mga
larawan
Buksan ang geotagging upang idagdag ang tinatayang pangheyograpikong lokasyon
(isang geotag) sa mga larawan kapag kinuha mo ang mga ito. Ang pangheyograpikong
lokasyon ay nababatid ng mga wireless na network (mobile o mga Wi-Fi® network) o ng
GPS na teknolohiya.
Kapag lumitaw sa screen ng camera ang , naka-on ang geotagging ngunit hindi nakita
ang pangheyograpikong posisyon. Kapag lumitaw ang , naka-on ang geotagging at
available ang pangheyograpikong lokasyon, kaya maaaring ma-geotag ang iyong
larawan. Kapag wala sa dalawang simbolong ito ang lumitaw, naka-off ang geotagging.
Upang i-on ang geotagging
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Lokasyon.
3
I-drag ang slider sa tabi ng
Lokasyon pakanan.
4
I-aktibo ang camera.
5
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang .
6
I-drag ang slider sa tabi ng
Geotagging pakanan.
7
Tapikin ang
OK.