Pagbubukas ng iyong device sa unang pagkakataon
Sa unang beses na bubuksan mo ang iyong device, may bubukas na gabay sa pag-
setup upang makatulong sa iyong ikumpigura ang mga pangunahing setting, mag-sign
in sa ilang account, at i-personalize ang iyong device. Halimbawa, kung may Sony
Entertainment Network account ka, maaari kang mag-sign in dito at agad na makapag-
set up. At maaari kang mag-download ng mga setting ng Internet.
Maaari mo ring i-access ang gabay sa pag-setup sa ibang pagkakataon mula sa menu ng
Mga Setting.
Upang i-on ang device
Tiyakin na ang baterya ay na-charge nang hindi bababa sa 30 minuto bago mo i-on ang device
sa unang pagkakataon.
1
Pindutin nang matagal ang power key hanggang sa mag-vibrate ang device.
2
Ipasok ang PIN ng iyong SIM card kapag hiniling, pagkatapos ay tapikin ang
.
3
Maghintay sandali upang bumukas ang device.
Upang isara ang device
1
Pindutin at tanganan ang power key na hanggang sa magbukas ang menu ng
mga pagpipilian.
2
Sa menu na mga opsyon, i-tap ang
Pag-off ng power.
3
Tapikin ang
OK.
Maaaring tumagal ng ilang saglit para sa mag-shut down ang device.