Pagbuo
Nakakabit ang isang pamprotektang plastic na sheet sa screen. Dapat mong alisin ang
sheet na ito bago mo gamitin ang touchscreen. Kung hindi man, maaaring hindi gumana
nang maayos ang touchscreen.
Upang ikabit ang micro SIM card
Gumamit ng pen na may pinong dulo o iba pang katulad na tool upang ilagay ang micro SIM
card.
7
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
1
Nang nakaharap sa iyo ang likod ng device, magpasok ng kuko sa puwang sa
pagitan ng takip ng slot ng micro SIM card at likod ng device, pagkatapos ay
tanggalin ang takip.
2
Nang nakataob ang mga kulay gintong contact, ikabit ang micro SIM card sa slot
hanggang sa makarinig ka ng tunog ng pag-lock.
3
Muling ilagay ang takip ng slot ng micro SIM card.
Kung magkakabit ka ng micro SIM card habang naka-on ang device, awtomatikong magre-
restart ang device.
Upang magkabit ng memory card
Gumamit ng pen na may pinong dulo o iba pang katulad na tool upang ilagay ang memory
card.
1
Magpasok ng kuko sa puwang sa pagitan ng takip ng memory card at ng device,
pagkatapos ay alisin ang takip ng memory card.
2
Ilagay ang memory card sa slot ng memory card nang nakaharap sa iyo ang mga
kulay gintong contact, pagkatapos ay itulak nang ganap ang memory card sa slot
hanggang sa may marinig kang tunog ng pag-lock.
3
Muling ilagay ang takip ng memory card.
8
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang tanggalin ang micro SIM card
1
Tanggalin ang takip ng slot ng micro SIM card.
2
Gamit ang isang pen na may manipis na dulo o iba pang katulad na gamit,
pindutin papasok ang micro SIM card at pagkatapos ay bitiwan ito agad.
3
Hilahin palabas ang card upang tanggalin ito nang lubos.
4
Muling ikabit ang takip ng slot ng micro SIM card.
Upang tanggalin ang memory card
1
I-off ang device at tanggalin ang takip ng slot ng memory card.
2
Gamit ang isang panulat na may manipis na dulo o iba pang katulad na gamit,
pindutin papasok ang memory card at pagkatapos ay bitiwan ito agad.
3
Hilahin palabas ang card upang tanggalin ito nang lubos.