Tungkol sa User guide na ito
Ito ang User guide ng
Xperia™ T3 para sa Android™ 4.4 na bersyon ng software. Kung
hindi ka sigurado kung aling bersyon ng software ang pinapatakbo ng iyong device,
maaari mo itong tingnan sa pamamagitan ng menu ng Mga Setting. Para sa higit pang
impormasyong tungkol sa mga update sa software, tingnan ang
Pag-a-update sa iyong
device
sa pahinang 124 .
Upang i-check ang kasalukuyang bersyon ng software ng iyong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Bersyon ng
Android.