Pag-a-update sa iyong device
Dapat mong i-update ang software sa iyong device upang makuha ang pinakabagong
functionality, mga pagpapahusay at mga pag-aayos ng bug para matiyak ang
pinakamahusay na pagganap. Kapag may available na update sa software, lalabas ang
sa status bar. Maaari ka ring tumingin ng mga bagong update nang manu-mano.
Ang pinakamadaling paraan upang mag-install ng update sa software ay gawin ito nang
wireless mula sa iyong device. Gayunpaman, hindi mada-download nang wireless ang
ilang update. Dahil dito, kailangan mong gamitin ang software na Xperia™ Companion
sa isang PC o Apple
®
Mac
®
computer upang i-update ang iyong device.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga update sa software, pumunta sa
www.sonymobile.com/update
.
Maaaring hindi makapag-update dahil sa hindi sapat na natitirang espasyo sa storage.
Siguraduhing mayroon kang sapat na espasyo sa storage bago subukang mag-update.
Upang tumingin ng bagong software
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Update Center.
3
Upang tingnan kung naka-install sa iyo ang pinakabagong software ng system,
tapikin ang
System. Upang tumingin ng mga update sa mga application na naka-
install sa iyong device, tapikin ang
Update.
Pag-update ng iyong device nang wireless
Gamitin ang application ng Update Center upang i-update ang iyong device nang
wireless. Pinapangasiwaan nito ang parehong mga update sa application at mga update
sa system at maaari din nitong pangasiwaan ang pag-download ng mga bagong
application na binuo para sa iyong device. Ang mga update na maaari mong i-download
sa isang mobile network ay nakadepende sa iyong operator. Inirerekomendang gumamit
ng Wi-Fi® network sa halip na mobile network upang mag-download ng bagong
software nang sa gayon ay maiwasan mo ang mga gastos sa trapiko ng data.
Upang mag-download at mag-install ng update sa system
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Update Center > System.
3
Piliin ang gustong update sa system, pagkatapos ay tapikin ang .
4
Kapag natapos na ang pag-download, tapikin ang at sundin ang mga tagubilin
sa screen upang kumpletuhin ang pag-install.
Upang mag-download at mag-install ng mga update sa application
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Update Center > System.
3
Upang mag-download ng partikular na update sa application, piliin ang update,
pagkatapos ay tapikin ang . Upang i-download ang lahat ng available na update
sa application, tapikin ang . Awtomatikong mai-install ang mga update
pagkatapos ma-download.
Pag-a-update sa iyong device gamit ang isang computer
Maaari kang mag-download at mag-install ng mga update sa software sa iyong device
gamit ang isang computer na nakakonekta sa Internet. Kailangan mo ng isang USB
cable at PC o Apple
®
Mac
®
computer na may software na Xperia™ Companion.
Kung hindi pa naka-install ang software na Xperia™ Companion sa nauugnay na computer,
ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable at sundin ang mga
tagubilin sa pag-install na nasa screen.
124
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang i-update ang iyong device gamit ang isang computer
1
Siguraduhing naka-install ang software na Xperia™ Companion sa iyong PC o
Apple
®
Mac
®
computer.
2
Gamit ang isang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer.
3
Buksan ang Open Xperia™ Companion kung hindi ito awtomatikong malulunsad.
4
Computer: Kung may ma-detect na bagong update sa software, may lalabas na
popup window. Sundin ang mga tagubiling nasa screen upang patakbuhin ang
mga nauugnay na update sa software.
Kapag ikinonekta mo ang device sa computer sa pamamagitan ng isang USB cable, ipo-
prompt kang i-install ang Xperia™ Companion software, o magkansela, maliban na lang kung
pinili mo dati ang
Huwag ipakitang muli.